Here are the responses:
Sender: M.A., mother of 3 from Winnipeg
Date: February 28, 2003
I'm so sorry about what happened sa baby mo. Alam mo habang lumalaki pa nga sila, lalo ka pang nagwoworry of everything na nangyayari sa paligid natin. But what can we do nga just like what you have said, guide them, remind, and do just what best we can to protect them. Yah, it's a big trauma, pero and importante, okey na siya at nothing much really serious ang naging result ng accident. Siguro on top ng ating guidance, protections, etc. ay prayers din para sa buong pamilya natin, good health and love above all di bah.
Sender: M.D., mother of 1 from Manila
Date: March 3, 2003
Sori jaz read ur email 2nyt ... am so scared also and almost cried wen he sed I want u mama... o my gosh I thought of (my son)he's so playful and so magulo as ryland... yeah, were only here 2 remind them... but no matter wat like (my son) pag uwi galing school pagsundo ko sa kanya sa gate pa lang ng school sometimes I saw him me sugat sa tuhod, sa noo or ang dumi ng uniform... if only we can be with them ol d time... I understand ur feelings lalo na we're both mothers... but I'm glad ur both ok... thanks 4 sharing that 2 us
Sender: J.C., mother of 2 from Manila
Date: March 14, 2003
So sori it took me years to answer your e-mail. You write so well. After reading what happened to your bunso, I asked myself why didn't you write in our school paper when we were in high school. Mas magaling ka pang sumulat sa akin. Anyway, you really had an experience that fateful day ano? Ako rin, when there are accidents at home esp. sangkot ang mga bata, ang dami kong what ifs na tanong. That's what motherhood brought out in me. I get rattled so easily. Kaiinom ko ata ng kape e. Alam mo nung maliliit pa ang mga bata, I don't bathe them until they are 6 months old. Natatakot ako na baka malunod kapag nadulas sila sa hawak ko. And it's my mother-in-law who does this and she's also the one na nagpapainom sa kanila ng vitamins and medicines. When they cry, panic agad ako at tatakbo kay mom. And when it's time for immunization, lumalabas ako ng clinic and it's A who holds the baby kasi naaawa ako sa kanila. Weird, ano? Anyway, ngayon ko nare-realize na habang lumalaki sila, mas lumalaki ang ating responsibilities to them. It's my prevent wish na sana we, A and I, will always be there 4 them. Na sana pag nawala kami ay yung stable na silang magkapatid. Drama ano?
Sender: N.M., mother of 4 from Antipolo
Date: July 30, 2003
Nabasa ko yong nangyari don sa anak mo. Naloka ako ha! Lam mo ganyan talaga tayong mga ina minsan nagtatanong bakit ganon parang kulang pa yong pag aalaga natin sa kanila lalo na pag may nangyayaring masama sa kanila. Lam mo nangyari din sa aking yan. Panganay ko 5 years old din cia, naglalaro sya sa labas bigla nagkakagulo. Nagulat ako buhat sya nong isang neighbor namin. Ang daming dugo sa paa, sumampa cila sa trycicle na nakapark sa harap namin. Yong isang paa nya nakalusot sa gulong tapos biglang pinaandar nong may ari. Lam mo parang dinudurog yong puso ko sa galit at sa sakit na nararamdaman nong anak ko. Awang awa ako sa kanya. Inoperahan yong paa nya that night. Hanggang ngayon di nya makalimutan yon kasi ang laki ng peklat nya sa paa. Buti na lang pag nag-so socks sya natatago. Pag bibili nga cia ng step in minsan may gusto sya yong medyo seksi bigla pag naalala nya makikita yong peklat ayaw nya na. Sabi ko nga okey lang yon bata pa naman cia. Enough for the drama. Bigla ko lang kasing naalala feel na feel ko kasi yong naramdaman mo that day. Hirap talagang maging ina. Grabe!!!